Hey everyone!!! 🙂 🙂
As I always say after a loooooooong absence, so I say again: I’M SO GLAD TO BE BACK!! 🙂
Right now I’m on Christmas break, which means I have more time (and no more excuse) to update GJ (Gracing Jenny haha) and share you some of my love. 😀 Today, I want to start with a story in Tagalog (sorry to my non-Tagalog speaking readers). Last Monday as I was cleaning my room (another long overdue task), I chanced upon my old journals. I opened one of them that dated 2 years ago, and I found this story written 2 years ago, March 16. I think this is inspired by true events, since the setting and possibility of this ever occurring can actually happen in my life. : I won’t say which of the events are “inspired” though. 😀 It’s supposed to be funny, so sana matawa kayo. (Pag hindi, edi sige fine, ako nalang tatawa mag-isa. HAHA #sadlife)
STORYTIME!! 🙂
7:00 A.M, Biyernes
“Mahal kita. As in. No joke.”
“Oo nga, naniniwala na ‘ko.”
Ang totoo niyan, matagal ko nang pinaniwalaan ang mga sinabi niya. Bago pa maging kami, nung taga-abot at taga-ayos lang ako ng lapel o mikropono niya sa mga dula namin sa aming pamantasan. Ito ang araw na pinakahihintay ko. Totoo nga ba ang lahat ng ito? Tunay nga ba na makapipiling ko na palagi ang aking giliw–ang marikit na Ingrid? Isa itong…
When I see your face…there’s not a thing that I would change….’cause you’re–
Ano ba Bruno Mars?! Kanina ka pa ume-epal eh. Pindot ako ng pindot, este, slide ako ng slide–ng iPhone ko para tumahimik ang alarm, sige pa rin sa pagkanta. Bakit, anong oras na ba?
Anak ng tokwa, alas siyete na!!! Teka, anong araw ba ngayon???
BIYERNES!!!!! SYETT!!! Alas siyete y medya nga pala klase ko ngayon! May quiz pa naman kami sa Math. Putek, si Ms. Tampil pa naman prof ko dun!
Syempre dali-dali akong tumalon, nakipagkarera sa oras at tumakbo papa-alis ng bahay. Nakakainis dahil hindi ako nakakain ng almusal, masarap pa naman din. Ininit ni Day (short for Inday) yung lechon kawali, salmon, at fried rice na inuwi nina Daddy at Mommy nung kinagabihan mula sa buffet. 😦
7:17 AM
Paglabas ko ng bahay, nanalangin ako sa Diyos na paluwagin ang kalsada at ang mga jeep sa Guadalupe. Saktong pagkarating ko sa sakayan ng jeep, may nakaabang na sa aking jeep at isa nalang ang kasya! (rush hour na kasi) Pinasalamatan ko si Papa God.
Bigla kong naalala ang walang humpay kong pagmumura kanina nang ako’y gumising. Ang sama ko nga naman! Ako na nga ‘tong pinagkalooban ng pagsanggalang mula sa kapahamakan sa aking pagtulog, tapos pagmumura pa ang iginanti ko sa Diyos–Diyos pa sa lahat ng nilalang! “Panginoon, sorry po. Hindi ko po sinasadya. Malaki na po ang kasalanan ko sa Inyo ngayong umaga, pero kung maaari lang po, paluwagin Niyo po ang MRT mamaya pagdating ko para agad po akong makasakay. Salamat po, Lord.”
Matapos manalanggin, inabot ko ang bayad ko sa aking katabi at nakisuyong ipaabot sa drayber. Pagbalik sa akin ng sukli–grabe, nagmahal na; dalawang piso nalang ang bumalik sa akin–kaagad kong kinuha ang abaniko ko mula sa backpack. Isa kasi akong pawising nilalang. Ewan ko ba kung bakit, di naman ako mataba. Siguro dahil palainom ako ng tubig, mas maraming pawis ang lumalabas sa mga parte ng katawan ko–noo, braso, likod, dibdib, singit, kili-kili….
Kili-kili. Teka. Nag-lagay ba ako ng ano….Pa-simple kong kinapa ang t-shirt ko sa bandang kili-kili, ayun pala, naunahan na ako ng katabi ko sa pagtuklas ng nakamamatay kong sikreto. Buti nalang pumara na siya at ang anim pang pasahero, kaya nung bumaba sila, lumipat ako sa dulo ng jeep (sa may labasan) at nilakasan ang aking pagpaypay.
Matapos ang ilang segundo, nagpatuloy sa pagbibiyahe ang jeep. May iba pa kayang naka-amoy? Ang eng-eng ko talaga!! Bakit sa lahat pa ng makakalimutan kong gawin, yun pang mag-deodorant? Ang masama pa dun, kalaban ko pa ang panahon dahil panahon na ng tag-init. Kasalanan ko bang may klase ako ng Abril? Hindi ito gaanong makatarungan, pero sa paningin (at pang-amoy) ng ibang tao (lalo na yung lalaki kanina) na mas hindi makatarungan ang anghit ko (buti nalang puti ang t-shirt ko kaya wala akong marka ng jabar).
7:40 A.M.
“Hay nako, late na talaga ako. Hindi ko na maaabutan ang quiz,” wika ko habang naglalakad papunta sa MRT Guadalupe station. Pero ang totoo niyan, mas kinakabahan pa ako sa aking amoy lalo na sa harap ako ng klase uupo mamaya! Masyado kasing mahal ni Ginang Tampil ang kanyang mga mag-aaral kaya pinapaupo niya ang mga latecomers sa harapan kung saan sila’y nakararanas ng ikalawang pagligo. As in. Nakakalimang tabo siya ng laway. Daig pa yung talsik ng mga dolphins sa Ocean Park. Kulang nalang magdala ng sabon at shampoo kaming mga estudyante sa harapan. Nakakasampung tabo siya kapag maraming ‘F’ at ‘P’ ang mga salita at pangungusap niya; napagpapalit niya kasi ang mga ito. (“Okey wat’s the answer? Correct! Pour foint pive”)
Bahala na, sige na lang. buti nalang dala ko ang aking abaniko pangtakip.
Pagsakay ko sa escalator, tumatagak ako sa pawis–at amoy. Ako mismo nadidighay sa sarili kong amoy. Papasok pa ba ako? Parang nakakahiya na–teka, nakakahiya talaga! Kahit na hindi ko na pasukin ang Math class, hindi naman akong maaaring umabsent sa ibang subject. Ayyy….alam ko na!! Buti nalang sinunod ko ang aking Mommy nang sabihan niya akong mag-iwan ng ekstrang t-shirt, shampoo, sabon, TOWEL, at DEODORANT sa locker!!! Maliligo nalang muna ako. Pero pano yung…brief???
Na-excite akong makarating sa pamantasan pero may isa pa akong hamon na dapat harapin: ang pagsakay sa siksikang tren na may anghit.
Habang nakapila ako sa security check, bumilis ang tibok ng aking puso. Puno na ang tren kaya sardinas time na naman. Okay lang sana yun kung mabango at tuyo pa ako. (may higit-kumulang isang paang layo sa pagitan namin ng babaeng nakapila sa likod ko sa linya dahil sa aking weapon of mass destruction)
Weapon. Sandata. Oo nga noh!! Isang henyong kaisipan ang pumasok sa aking kaisipan. Binuksan ko ang zipper ng aking bag at hinayaang tusukin ng guard, na nagtakip ng kaniyang ilong. Agad akong pumasok ng stasyon at hinabol ang paparating na tren.
“Gagawin ko na ba ‘to?” Paulit-ulit kong tinatanong ang aking sarili…at ang Diyos. Baka iton na yung sagot sa panalangin ko kanina. Di hamak na luluwag ang daan ko kapag ginawa ko ‘yon! 🙂 Nagpasiya ako: gagawin ko na ang aking mahusay na plano.
Pagbukas ng mga pintuan ng tren, sabay kong inangat ang aking mga braso’t kamay at nagsabi ng “excuse me.” Ang mga sumunod na pangyayari ay aking inasahan ngunit para sa akin ay isang milagro parang ng nangyari kay Moises nang hiwain niya ang Pulang Dagat.
Nahati ang mga papasok na pasahero sa kanan at kaliwa hanbang nakatakip sa kanilang mga ilong at bibig–at siyaka ako pumasok papaloob ng tren. Bagama’t marami nang kalalakihang ang nagsasabing, “Anghit naman niyan grabe!”, wala silang magagawa kung hindi tiisin ang aking handog na regalo at sandata. 😉
Pagbaba ko sa Shaw Boulevard, taas-noo akong lumabas ng tren. Nakakatakot lumingon dahil sa mga mala-kontrabidang titig ng mga tao (lalo na nung may narinig akong naghihinalo sa likod ko na babae–galit na galit ang jologs niyang nobyo). Ang hindi alam ng feeling Andrew E, may bakas ng jabar nag t-shirt niya.
12:30 PM
Naging maganda ang takbo nang araw ko matapos kong pinasabog an mabagsik kong dinamito. Nalaman ko sa aking mga kaklase na nagpa-free cut si Ms. Tampil. At eto pa: pagkatapos kong maligo, magdeodorant (naka sampung pahid ata ako sa bawat kili-kili) at kumain ng taho, nagtungo ako sa photocopying area. Hulaan mo kung sinong nandun.
Si Ingrid. Ang aking giliw!
Pagdating ko, napansin niya ako kaagad. Sabay ngiti. Sabay bati. (at nasabi ko ba na kami lang dalawa yung tao sa loob ng photocopying area? Di ko na sinama si Manong Xerox dahil walang pake yun sa mga estudyante)
“Hi Evan! Ba’t wala ka nung math?”
“Hi Ingrid! Math? Diba free cut?”
“Ah oo. I mean, before the class started. Hinanap kita, wala ka eh.”
Hinanap niya ako?!?! Kung pwede lang sumayaw! Pero hindi, nagtimpi ako at kalmadong sumagot, “Traffic kasi sa MRT.” At dahil makapal ang mukha ko dahil nag-deodorant na ako, hinabol ko ang tanong: “Ba’t mo ako…hinanap?”
“Napaniginipan kasi kit!”
“Ah…ah….ta-….talaga?” TALAGA?! AKO DIN!!
“Oo, sobrang natuwa nga ako eh. Jinajabar ka saw sa isang kwarto tapos awyaw ma-alis kahit na nakailang ligo ka na. Hahaha! Sorry ah, pero sobrang natawa lang talaga ako.”
Gusto ko rin sana tumawa, kaso pilit yung lumabas. Hindi nalang ako nagpahalata, total si Ingrid ‘to!! Okay na ‘to kaysa yung mga paisa-isang tanong sa Math.
“Haha, talaga ah? Ako din, napaniginipan ka–”
When I see your face…there’s not a thing that I would change….’cause you’re amazing–
Syyeee…ano ba yan!! Bruno Mars! Panira ka ng moment!! Bakit nag-alarm phone ko?? Di ko naman sinet….
“–Just the way you are! I like that song, too!”
Nagtagpo ang mga mata namin ni Ingrid ng mga two seconds at sa pakiramdam ko, pati ang aming mga puso. Agad kong pinasalamatan si Bruno Mars sa aking loob hangga’t sinabi ni Ingrid–
“Favorite song ko yan lalo na nung hinarana ako ng boyfriend ko nung isang gabi. Sobrang kilig!”
Bo…boy…boyfriend? Akala ko single siya?!
“May…bo…boyfriend ka na? Sino? Kailan?”
“Last week lang! Si Santi Delias. Shucks Evan, sorry to cut this conversation short, ah. Kailangan ko nang mauna. I’ll meet Santi in McDo. See you around!”
At sa isang iglap, naglaho ang aking mga magagandang pangarap. Kung pwede lang gamitin ang weapon of mass destruction ko kay Santi. May panibago nanaman akong hamon. 🙂
Photo source: Inquirer News via Google ImagesÂ